Chinese fugitive Timbog sa Makati City
Nasakote ng Bureau of Immigration (BI) operatives ang Chinese national na wanted sa Peoples Repbulic of China (PROC), dahil sa economic crimes ilang taon na ang nakakalipas, ayon sa report na nakarating sa ahensiyang ito.
Kinilala itong suspek na si Chen Xiao Bang 29 anyos, at naaresto ito ng mga tauhan ng BI Fugitive Search Unit (FSU) noong July 1,sa may Vito Cruz Extension Barangay La Paz Makati City.
Ayon kay BI-FSU Chief Rendel Ryan Sy, si Chen ay mayroon Warrant of Arrest na inisyu ng Pudong Branch of the Public Security Bureau ng Shanghai, hinggil sa pagkakasangkot ng fraudulent investment Scam.
Inakusahan ito dahil sa paglustay ng pera ng kanyang mga investors noong 2018 na aabot sa tatlong milyong (3M) Chinese Yuan katumbas ng 412,000 US dollars ang halaga.
Dumating si Chen sa bansa noong pang August 25, 2019, at hindi na muli umalis hanggang sa ngayon, kung kayat kinukonsidera ito na undocumented alien, at subject for immediate deportation.
Pansamantalang ilinipat ito sa BI Detention Center sa Camp Bagong Diwa, Taguig City, habang ina-antay ang kanyang Deportation Order ng BI Board of Commissioners.(froilan morallos)