Chinese Fugitive Timbog sa Intramuros

Naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa kanilang opisina sa Intramuros ang isang puganteng Tsino na wanted dahil sa kasong kinasasangkutan nito sa kanilang lugar.

 

Ayon kay Raymond Remigio section chief ng BI tourist visa, kinilala itong suspek na si Luo Xinya 27 anyos, at na-intercept ito noong June 26, habang nagpapa-renew ng kanyang tourist visa sa main office ng Immigration sa Intramuros Manila.

 

Batay sa impormasyon na nakalap ng pahayagang ito, si Luo ay mayroon standing Warrant of Arrest na inisyu ng Chongqing Hechuan District Publc Security Bureau ng People’s Republic of China.

 

At si Lou ay nakatakdang isyuhan ng order of deportation sa lalong medaling panahon, sapagkat hindi siya karapatdapat na manatili sa bansa, bunsod sa pagiging undesirable alien.

 

Pansamantalang nakakulong ito sa BI Detention facilities sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City, habang naka-pending ang kanyang deportation order. (froilan morallos)

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *