Cebu Pacific Sumadsad sa Madamong Portion ng NAIA

Sumadsad ang Cebu Pacific flight A-321 sa madamong portion ng taxiway sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3, kahapon ng umaga habang nagsasagawa ng positioning sa Bay 111 Patungong Bay 122A, ayon sa report ng media affairs division ng Manila International Airport Authority (MIAA).

Ayon sa naturang report walang napaulat na nasaktan sa mga crew at piloto sa pangyayari, at agad na sumugod ang MIAA aircraft recovery team para maalis sa lalong madaling panahon para maibsan ang pagkabuhol-buhol ng incoming at outgoing flights.

Kaugnay nito ideneklara ang Bays 110 at 112, unavailable sa malalaking eroplano hanggat  nananatili pa ito sa puwest.

At kasabay nakikiusap ang MIAA sa mga aektadong pasahero na habaan ang pasensiya, antayin na lamang ang advised ng airlines tungkol sa kanilang mga flights.

 Samantalang, na-delayed ang anim na incoming flights ng United Airlines flight UA 189 San Francisco- Manila, Scoot flight TR 396, Singapore-Manila, Emirates flight EK 336 Dubai-Manila, Cebu Paccific 5J 050 Melbourne-Manila, Cebu Pacific 5J 309 Guangzhou-Manila at Jetstar 3K 763 Singapore-Manila,      

At na delayed din ang pitong outgoing flight, na kinabibilangan ng Cebu Pacific 5J 110 Manila-Hongkong, Nippon Airways NH 820 Manila-Narita, Cathay Pacific CX 912 Manila-Hongkong, Jetstar 3K 763 Manila-Kansai, Emirates EK 763 Manila-Dubai, Scoot TR 397 Manila Singapore, at United Airlines UA 190 Manila San Francisco.    

Habang isinusulat ang balitang ito ongoing ang retrieval operation na isinasagawa ng mga tauhan ng MIAA, upang makalipad sa lalong madaling panahon ang apektadong mga pasahero. (froilan morallos)  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *