Cebu Pacific Nag-deploy sa NAIA ng 13 Electric Baggage Tractors

Nag-deploy ang tinaguriang Philippines leading carrier  Cebu Pacific (CEB) ng labing tatlong (13) electric baggage tractors sa kanilang ground operation sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2 at 3 bilang commitment sa isang tinatawag na sustainable aviation.
Itoy naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng New NAIA Infra Corp. (NNIC) upang mabawasan ang carbon emission , at maiangat ang operational efficiency sa mga ramp.
Matatandaan na ang mga transport baggage and cargo between aircraft and terminals ay naka-rely sa fuel-powered tractors, kung saan pinagmumulan ng carbon emission sa airport operation sa ibat-ibang paliparan.
 Ayon kay CEB President at Chief Commercial Officer Xander Lao ang pagkakatuklas ng electric baggage tractors ay isang paraan upang mabawasan or to reduce emissions generated from both on the ground and on air sa ground operations ng mga airport.
Dagdag pa nito ang electric baggage tractors ay gawa ng TLD Asia Ltd. kung saan mayroon itong high-capacity lithium batteries and fully electric drivetrains, na siyang nagbibigay ng karagadagan operational efficiency while reducing emissions.
At ayon pa kay Lao ang integration of electric ground support ay isang significant improvement sa kanilang ramp operations, at benepisyo matatamasa ng kanilang mga tauhan sa airport. (Froilan Morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *