CAAP Naglabas ng Dalawang Araw NOTAM

Naglabas ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) kahapon ng NOTICE to AIRMEN (NOTAM) sa mga eroplano na iwasan dumaan o lumapit sa tatlong active volcano sa kasalukuyang, upang makaiwas sa ano mang sakuna, ayon Kay CAAP spokesperson Eric Apolonio.
Kabilang sa active volcano sa kasalukuyang ay Bulusan, Kanlaon at Taal volcano, kung kayat pinapayuhan ang lahat ng flight operators, na iwasan lumipad malapit sa vertical limits mula sa 10,000 feet sa Bulusan, 11,000 feet sa Kanlaon, at 11,000 feet below sea level sa Taal volcano.
Ayon sa CAAP ang nasabing NOTAM ay tatagal sa loob ng dalawang araw mag mula sa 8:22 ng umaga hanggang alas 9:00 ng umaga.
Ayon pa sa CAAP 24/7 ang kanilang isinasagawang monitoring sa tatlong volcano, para sa flight safety ng mga eroplano, habang on going ang volcanic activity ng mga ito. (Froilan Morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *