Bypass Road Papasok sa Baguio City Binuksan ng DPWH
Tinapos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang portion ng Baguio City Bypass Road Project, na siyang magbibigay ng daan upang mabawasan ang trapek sa kennon road papasok ng Baguio city.
Ayon sa report ang feature ng daan na ito ay umaabot sa 4.374-kilometer ang haba, malapad ang kanal, water drainage,side walk, at gutter ng sa gayon maprotektahan ang soil erosion sa tabi ng daan.
Ang bypass road na ito ang siyang pinakamabilis papuntang Baguio City, at maiiwasan ng mga motorista ang mahabang trapek papasok sa tinaguriang summer Capital of the Philippines.
At batay sa impormasyon na nakalap mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH), ito ay umaabot sa 92.6 milyon pesos ang halaga. (froilan morallos)