Bureau of Immigration Humingi ng Saklolo sa Ibat-Ibang Ahensiya ng Pamahalaan

Humingi ang Bureau of Immigration (BI) ng tulong sa ibat-ibang sangay ng pamahalaan upang sogpuin ang Child sexual abuse at exploitation sa bansa.

Bilang commitment ng pamahalaan na maprotektahan ang mga vulnerable sector na hinihinalang biktima ng karahasan.

Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, kasalukuyang ang BI’s Fugitive Search Unit (FSU) ay nakikipagtulungan sa Swedish at sa US counterpart katuwang din ang National Bureau of Investigation (NBI) Violence Against Women and children Division (NBI-VAWCD) upang mahuli ang Swedish national na nagtatago sa Pampanga.

Ayon sa impormasyon si Heinz Henry Andreas Berglund ay wanted bunsod sa patong -patong na kasong child exploitation sa kanilang bansa.

Batay sa report dumating ito sa pinas dalawang lingo na ang nakakalipas, upang magtago at iwasan ang kasong kinakaharap.

Bukod sa Child exploitation sa Sweden mayroon itong previous conviction for serious financial fraurd, kung kayat nangangnamba ang pamahalaan laban dito.

Samantalang bumagsak sa mga tauhan ng BI Intelligence Division ang isang Indonesian national na sangkot sa Trafficking of children na si Ignaz Ega Adhiaga sa tulong ng Philippine National Police (PNP) Directorate for Investigation and Detective Management Women and Children Protection Center.

Si Ignaz ay nasa pangangalaga ng BI Detention Facility sa Camp bagong Diwa sa Taguig City, habang naka-pending ang kanyang deportation order sa BI Board of Commissioner. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *