Brown Bag Na Naiwan Ng Pasahero Pinagkaguluhan Sa Butuan Airport
Nag-panic ang mga pasahero sa parking area ng Butuan Airport nitong nakaraang araw dahil sa naiwan brown hand bag ng isang pasahero na hinihinalang pampasabog.
Ayon sa mga tauhan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang naturang bag ay naiwan ng hindi pakilalang pasahero noong April 16 sa may waiting area ng airport.
Ngunit ng pinuntahan ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group at ng Butuan Airport Police, nadiskobre na pera ang laman ng bag na umaabot sa 43,201.50 tawsan pesos.
Bukod sa cash na kuwarta n akita pa sa loob ng bag ang ibang gamit ng mayari, katulad ng wallet, food items at personal belongings ng may ari.
At agad naman ito nai-turn over sa CAAP Security and Intelligence Service (CSIS) for safe keeping. (froilan morallos)