British National Inaresto ng PNP sa NAIA
Inaresto ng Philippine National Police Aviation Security group (PNP-AVSEGROUP) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang 48 anyos na British national dahil sa paglabag ng RA 9262.
Ayo sa nakalap na impormasyon dumating ito kahapon ng hapon sakay ng Turkeys Airlines galing sa Istanbul Turkey.
Inaresto ito sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu noong January 20, 2023 ng National Capital Judicial Region, Branch 5, ng Taguig City, dahil sa paglabag ng section 5(I) of Republic Act o kilala sa tawag na Anti-Violence Against Women and Children Act of 2004.
At ang hukuman ay mayroon inirekomenda na 72,000 tawsan pesos ang halaga para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
At bago hinuli inilatag ng mga awtoridad ang kanyang karapatan o constitutional rights,at tamang procedure, katulad ng paggamit ng Alternative Recording Device (ARD), at Body Worn Cameras alinsunod sa kauutsan ng Korte Suprema.
Itong suspek ay kasalukuyang nasa kustudiya ng WCCS/DIDM ng Manila Police District para sumailalim ng documentation and legal Proceedings.(froilan morallos)