Birds Flu at Swine Flu Mula sa China at Australia Pinababantayan sa Airport
Mahigpit na binabantayan ng mga tauhan ng Bureau of Animal Industry (BAI) at ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang lahat na uri ng mga ibon galing sa Australia at China bilang pagsunod sa kautusan ng pamahalaan sa napabalitang bird flu at Swine flu na nag mula sa mga bansang ito.
At agad na ipinag-utos ng Department of Agriculture (DA) na harangin sa airport ang mga domestic at wild birds galing sa Southern countries dahil sa umuugong na balitang tungkol na highly pathogenic avian influenza (HPAI) virus subtypes H7N3 at H7N9 sa Australia, ayon sa report ng World Health Organization.
At kasabay an inatasan ng Department of Agriculture (DA) sa mga tauhan ng dalawang ahensiya ng pamahalaan na kumpiskahin and lahat ng uri ng karne galing sa mga binabanggit na bansa upang maiwasan makapasok sa bansa ang mga sinasabing sakit ng hayop upang maproteksiyonan sa lokal poultry producers .
Inatasan din ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa pamamagitan ng isang Memorandum Order no. 21 ang kanyang mga tauhan na ihinto ang pag-isyu ng Sanitary and Phytosanitary Import Clearances, tungkol sa importation ng wild at domestic birds mula sa Australia at China, kasama ang poultry meat, day-old chicks, eggs, at semen.
Nakasaad din sa memo na ang mga karne na an maaring makapasok sa bansa ay ang mga galing sa ibang bansa, na mayroon kasamang sanitary Phytosanitary permit/clearance mula sa port of origin at galing sa BAI.
Habang isinusulat ang balitang ito naka-pag turnover ang Bureau of Customs (BOC) sa BAI ng thousands of kilos ng
Fresh/ frozen meat products dala ng mga pasahero galing sa binabanggit na dalawang bansa. (Froilan Morallos)