Binuksan ng MIAA ang OFW Immigration Counter sa NAIA 3
Binuksan ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 ang Immigration counter para sa mga Overseas Contract Workers (OFW), upang mapadali ang in and out ng mga ito sa Paliparan.
Ang immigration counter na ito ay malapit sa OFW Lounge sa naia 3, at nasimulan ang construction bago ang nangyaring turn over sa operation ng airport sa New NAIA Infra corporation.
Ito ay kasama sa commitment ng MIAA upang maiangat ang serbisyo para sa mga OFW, ng sa gayon matikman ng mga ito ang seamless, efficient at stress-free experience.
Ayon sa MIAA ang karagdagan immigration counter sa naia terminal 3 ay makaka-accommodate ng 2,400 OFW bawat araw.
At sa pamamagitan nito maiiwasan ng mga ito ang mahabang pagaantay papasok sa mga boarding gate.
Batay sa impormasyon nagtalaga din ang MIAA ng Department of Migrant Workers (DMW) desk na siyang tutulong sa mga OFW concerned particular na sa kanilang mga Overseas Employment Certificate (OEC).
Ayon kay MIAA General manager Eric Ines ang proyektong ito ay pagpapakita ng pagpapahalaga sa sakrepisyo ng mga OFW sa ibang bansa. (froilan morallos)