Biktima ng Mail-Order Bride Na-Intercept sa NAIA

Na-intercept ng mga kawani ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mag-ina na pinaniniwalaan biktima ng sindikato ng mail order bride.

Ayon sa report nakilala ang mag-ina na sina alias Annie 42 anyos at ang kanyang anak na si alias Mia, at na intercept ang dalawa noong May 13, bago makasakay sa kanilang Philippine Airlines flight patungong China.

Na diskobre ng Immigration protection and border enforcement section (I-PROBES) ang mudos matapos ang isinagawang pagsisiyasat laban sa dalawang biktima.

At resulta sa imbestigasyon inamin ni Mia, kaya pupunta sila sa China upang makasama ang kanyang asawang Chinese, alinsunod sa iprenisentang fraudulent marriage contracts.

Sinabi pa nito na kaya siya pumayag ipakasal sa Chinese national dahil sa kagustuhan ng nanay niya, bunsod sa mga pangakong financial support, at iba pang pangangailangan ng kanilang pamilya.

Dagdag pa nito na-meet niya itong lalaki noong March 11, matapos ang kanilang kasal, kung saan binigyan siya ng limang libong (5,000) pesos. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *