Biktima ng Mail Order Bride Hinarang sa NAIA

Hindi pinayagan makasakay sa kanyang Jetstar flight ng Immigration Officer (IO) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 ang isang biktima ng mail order bride, dahil sa pekeng Commission on Filipinos Overseas (CFO) certificate.

 

Hindi muna ibinunyag ang pagkakilanlan nito bilang pagsunod sa prohibition na pinaiiral ng Anti-trafficking law.

 

Ayon sa report nangyari ito noong July 13, bago makasakay sa knyang Jetstar Airlines flight papuntang Japan.

 

At pagpasok sa Immigration counter, nagpresenta ito ng Marriage Certificate bilang pagpapatunay na ikinasal at dumaan o nag-undergo ng Guidance Counseling Program (GCP) ng pamahalaan.

 

Ang GCP Digital Certificate ay isang mandatory seminar upang maipaliwanag sa mga ito ang alituntunin o kahalagahan ng intermarriages at interracial relationships, upang maiwasan mabiktima ng Mail Order Bride scheme.

 

At matapos ang masusing pagsisiyasat inamin nito na peke ang kanyang CFO certificate na ibinigay ng kanyang recruiter.(froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *