Biktima ng Illegal Surrogacy Na-intercept ng BI sa NAIA

Nababahala ang Bureau of Immigration (BI) sa tumataas na bilang ng Human Trafficking cases sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) lalo sa mga tinatawag na “illegal Surrogacy, kung saan inosenting Pinay ang kadalasan mga biktima sa mudos na ito.

Ayon sa nasagap na impormasyon ng pahayagang ito, inaalok ang mga Pilipina ng kalahating milyon pesos para kumagat upang maging surrogate mother, kaysa magtiis ng hirap sa Pilipinas.

Nitong nakaraang October 15 isang 37 anyos na Pilipina ang na-intercept ng mga tauhan ng Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bago maka-alis sa kanyang Turkish Airlines flight papuntang Batumi Georgia.

Ayon sa report ng BI’s immigration protection and border enforcement section (I-PROBES) ang babaeng ito ay magtratrabaho bilang sales associate sa Georgia.

Ngunit nadiskobre sa primary inspection, dahil sa mga discrepancies sa kanyang mga sagot, kung kayat ipinadaan sa secondary inspection, at kalaunan inanim nito na na- recuite siya bilang surrogate mother ng hindi niya kilala recruiter.

Ayon sa pahayag ng biktima nakilala niya ang kanyang recruiter via whatsApp, kung saan inoperan siya ng 28,000 pesos kada buwan or per month habang nagdadalangtao, at pagka-panganak babayaran siya ng mahigit sa kalahating milyon pesos.

Sinabi ni Mary Jane Hizon, heoe ng I-PROBES, ito aniya ang bagong human trafficking scheme, kung saan pinangangakuhan o ginugoyu ang mga pinay ng magandang living condition abroad, ngunit kalbaryo ang kahihinatnan ng mga biktima.

Matatandaan sa unang lingo ng buwan na ito umabot na sa 20 pinay ang na-rescue ng mga awtoridad na pinaniniwalaan biktima ng surrogate mothers sa Cambodia.

Samantla, itong biktima ay agad na dinala sa opisina ng inter-agency council against trafficking (IACAT) upang mabigyan ng tulong, kasunod ang paghahain ng kaso laban sa recruiters. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *