Biktima ng Illegal Recuitment Na-Intercept sa NAIA
Nahuli ng Bureau of Immigration (BI) Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Pilipino na pinaniniwalaan biktima ng Illegal recruitment
Ayon sa report ang 35 anyos na Pilipino ay na-recuite via on line, at pinangakuhan ng malaking suweldo upang magtrabaho sa isang business process outsoucing (BPO) company sa Cambodia
Batay sa impormasyon na nakalap nagkunyari ito bilang isang turista, at magbabakasyon sa Hanoi, Vietnam, at ang kanyang trip ay on- the- spot or spontaneous.
Ngunit nagduda ang mga taga I-PROBES, sapagkat inconsistent ang kanyang mga sagot sa tanong, kung kayat ipinadaan sa secondary inspection.
At kalaunan inamin nito na papunta siya Cambodia, at na-recuite siya via facebook at magtrabaho sa isang BPO company sa naturang bansa.
Ayon kay Jane Hizon ng I-PROBES ang BPOs ay isang modus operandi ng mga illegal recuiter upang madaling maguyo ang mga Pilipino na nagnanais magtrabaho sa ibang bansa sa illegal na paraan. (froilan morallos)