Biktima ng Illegal Recruiter Na-Intercept sa NAIA
Binalaan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga Pilipino na nagnanais magtrabaho sa mga tinatawag na lucrative jobs sa Lebanon, na maging maingat sa pakikipagusap sa facebook o social media upang makaiwas sa illegal recruitment.
Matapos ma-intercept ng kanilang mga tauhan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang 57 anyos na Pilipina na pinaniniwalaan biktima ng anti-trafficking.
Ayon sa report na-intercept ito ng mga tauhan ng Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES) sa naia terminal 1 bago makasakay sa kanyang Philippine Airlines (PAL) flight papuntang Thailand.
Ayon sa salaysay ng biktima magbabakasyon siya sa Thailand upang makipagkita sa kanyang kamaganak, ngunit sa isinagawang inisyal na imbestigasyon, inamin nito na pupunta siya Lebanon.
Inamin din nito na lahat ng kanyang travel documents ay mga counterfeit, at ibinigay ito ng kanyang recruiter na nakilala sa facebook.
At dagdag pa nito, my recruiter instructed me, na magpakilala na Overseas Contract Worker (OFW), at magbabakasyon upang makipagkita sa kanyang kamaganak sa Thailand ng ilang lingo, bago bumalik sa Pinas.
Agad naman ito dinala sa opisina ng IACAT par sumailalim ng imbestigasyon, at kasabay nito ang pagsasampa ng kaso laban sa kanyang recruiter dahil sa paglabag ng anti-trafficking law. (froilan morallos)
