Biktima ng Illegal Recruiter Na-intercept ng BI sa MCIA
Na-intercept ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Cebu International airport ang isang illegally recruited Pilipina bago maka-alis sa kanyang flight papuntang Hongkong.
Ayon sa report ng Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES) ang 28 anyos na babae ay na-intercept sa may departure area bunsod sa inconsistency sa kanyang mga sagot at pekeng dokumento.
Ayon sa pahayag ng biktima pupunta siya sa Hongkong upang bisitahin ang Disneyland, ngunit, sa inisyal na imbestigasyon inamin nito na she was recruited by unname Chinese na magtrabaho sa isang POGO.
Aniya pinangakuhan siya ng kanyang recruiter ng 1,000 monthly US para magtrabaho sa online gaming company sa Hongkong.
At hindi niya inamin ang pagkakilanlan ng nasabing Chinese bagkus napagkasunduan nila ang suweldo, kung kayat na-ingganyo siya sa magandang offer.
Itong biktima ay agad na dinala sa opisna ng Inter-Agency council Against Trafficking (IACAT), upang mabigyan ng tulong at kasabay sa paghain ng kaso laban sa kanyang illegal recruiter. (froilan morallos)