Biktima ng Human Trafficking Na-intercept sa CIA
Na-intercept ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark International Airport (CIA) ang apat na biktima ng human trafficking bago makasakay sa kanilang flight palabas ng bansa.
Ayon sa report ng BI’s immigration protection and border enforcement section (I-PROBES) ang apat na biktima ay pawang mga kalalakihan , at nagkunyari na magbabakasyon sa Singapore sa kanlang kaibigan.
Ngunit sa initial inteview hindi magkakatugma ang mga sagot, kung kayat ipinadaan sa secondary inspection.
At kalaunan inamin ng mga ito na naguyo sila ng isa sa kanilang kasamahan, kung saan pinangakuhan ng mga trabaho bilang hairdressers at massage therapist sa Qatar ng 15 to 25 tawsan monhtly salaray.
At inamin din ng kasamahan nila na na-recuite din siya kapalit ng 10,000 pesos processing para sa kanilang mga dokumento, at pinagkunyari bilang mga turista para iwas detection.
Ang apat na biktima ay nasa kustudiya ng Inter-Agency council Against Trafficking (IACAT) upang sumailalim ng imbestigasyon. (froilan morallos)
