Biktima ng Human Trafficking Bumagsak sa Homosexual

Sa kabila ng kanilang sinapit sa kamay ng kanilang malupit na mga employer nakabalik na sa bansa  ang siyam na pinaniniwalaan  biktima ng Human Trafficking sa bansang Laos,ayon sa impormasyon nakalap ng pahayagang ito, mula sa mga tauhan ng immigration na naka talaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa salaysay ng isang 42. anyos na Pilipino na recruite siya through facebook bilang isang customers service representatives (CSR) sa Laos, ngunit bumagsak bilang isang online love scammers.
At pinangakuhan ng 50,000 pesos suweldo kada buwan, ngunit hindi siya binayaran sa kanilang napagkasunduan halaga ng kanyang employer sa loob ng mahabang panahon.
 Ang iba sa mga biktima ay na recuite via telegram, at hindi rin pinapasahod, kung kayat napilitan na magpunta o lumipat sa Myanmar at natanggap bilang mga love scammers, at ang target ng grupong ito ay ang mga homosexual sa on line.
At hindi rin pinapasahod, bagkus pinaglilinis pa ng tiolet, pinatatakbo sa kalagitnaan ng araw bilang kaparusahan dahil hindi na meet ang kanilang mga designated quota.
Naka-uwi ang mga ito sa tulong ng Philippine consulate sa Thailand, at sa kasalukyang nasa pangangalaga ang mga ito sa mga tauhan  ng  Overseas Workers Welfare administration Personnel. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *