Babalik na sa Normal ang Lamig ng NAIA 3

Babalik na sa normal ang lamig ng airport matapos maikabit ang anim (6) na bagong air cooling tower  sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), terminal 3,ayon sa pahayag ng pamunuan Manila International Airport Authority (MIAA).

Kasalukuyang nananatiling bukas ang mga back up na blower sa ilang parte ng paliparan, habang under observation ang mga air cooling tower na nakakonekta sa chiller plant para mapanatili ang lamig sa loob ng airport.

Matapos ang labing dalawang (12) oras up grading ng cooling system ng naia 3 tinitiyak ng MIAA na mararamdaman ng mga pashero ang ginahawa sa loob ng airport habang nagaantay sa kani-kanilang mga flight iskidyul.

Matatandaan na bago simulan ang rehabilitasyon ng air cooling system ng naia 3, agad na nag-deploy ng medical team ang MIAA para sa agarang pagtugon sa hindi inaasahang mga insedenti habang isinasagawa ang up grading ng cooling system. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *