Babaeng Nagbebenta ng Pekeng Immigration Clearance Tiklo sa NAIA

Naaresto ng mga tauhan ng mga tauhan ng Airport Police Department (APD) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 ang isang babae na nagbebenta ng unauthorized immigration “clearance” services sa mga dayuhan.

Ayon sa report nahuli itong suspek noong gabi ng June 13 sa may departure area ng NAIA terminal 1, alinsundo sa kautusan ng pamahalaan, na pangalagaan ang seguridad ng riding public.

Batay sa report ng APD na-intercept ito bago pumayag ang biktima na magbayad ng 850,000 tawsan pesos kapalit ang pekeng immigration clearance.

Ang biktima ay isang excluded passenger na hindi pinayagang ng immigration na makapasok dahil sa criminal history, invalid documents at iba pang paglabag sa immigration laws.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng APD laban sa suspek, upang malaman ang iba pang mga kasabwat sa kanilang illegal operation, (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *