apatnapu’t limang OFW Ligtas na Naka-uwi sa Bansa
Ligtas na nakauwi sa bansa ang 45 Overseas Contract Workers (OFW) na naipit sa bakbakan sa pagitan ng Israel at Lebanon.
At batay sa impormasyon dumating ang mga ito kahapon ng hapon sakay ng flight KU 417 galing Lebanon.
Sinalubong ang mga ito nina Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac, Health Secretary Teodoro Herbosa, OWWA Deputy Administrator Mary Melanie Quiño, Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega, Social Welfare and Development Assistant Secretary Irene Dumlao, at OWWA Planning Director Jocelyn Ortega.
Ang naturang grupo ay kasama sa voluntary repatriation program ng pamahalaan, kung saan umaabot na sa 525 OFWs at 30 dependents ang napa-uwi ng pamahalaan sa bansa.
Patuloy naman ang pagbibigay ng tulong ng OWWA at iba pang sangay ng gobyerno sa mga naapektuhan OFWs kabilang na dito ang tulong pinansyal, transportasyon, pagkain.(froilan morallos)