Apat Na Puganteng Korean National Naaresto Ng FSU sa magkakaibang Lugar sa Bansa

Naaresto ng Bureau of Immigration (BI), Fugitive Search Unit (FSU) sa magkakaibang lugar sa bansa, ang apat na Korean national na wanted ng serious crime, large scale online gambling at fraud sa South Korea.

Ayon sa report nahuli ang mga ito noong June 25, 2025 sa tulong ng Korean authorities at ng Philippine National Police (PNP) Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Office 3, Philippine Nave (PN), at ng Clark Development Corporation Police.

Batay sa impromasyon ang unang nahuli ay ang itinuturong leader ng grupo na si Oh Kyoungchul sa Clark Free Port zone.

Si Oh ang pinuno o leader ng illegal gambling sa Cebu mag mula pa noong taong 2016 hanggang 2018.

At ang mga sumunod ay sina Yang Koo Youn, 39 anyos, Jung Hoesung 40 anyos at ang pinakahuli ay si Han Jonghoon 41 anyos.

Sina Jung,Yang ay nahuli ng FSU sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 at si Han ay nasakote ng mga awtoridaad sa San Juna City.

Napagalaman na itong grupo ni Oh ay nago-operate ng hindi bababa sa 23 illegal gambling platforms, kung saan nagkamal ang mga ito ng 3.5 bilyon pesos sa pamamagitan ng kanilang illegal gambling sa loob ng tatlong taon operations.

Ayon sa FSU si Oh ay subject to an interpol red notice, at Warrant of Arrest na inisyu ng Seoul Western District Court dahil sa pagkakadawit ng illegal gambling sa kanilang lugar.

Si Jang ay wanted din sa Korea dahil sa pago-operate ng 23 Illegal online gambling platforms kung saan nakakulimbat naman ito ng 4 trillion Won mula sa mga biktima.

Habang si Han ay illegal na nago-operate ng sports betting games katulad ng baccarat at powerball, at nagpagalamaan na kumita ito ng 2 trillion Won in revenue. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *