Apat Na PAL Domestics Flight Ipinakansela
Apat na pangabing flight ng Philippine Airlines (PAL) papuntang Butuan ang ipina-cancelled kahapon, dahil sa problema ng mga ilaw sa run way ng Butuan Bancasi Aiport, upang makaiwas sa ano mang insedenti ayon sa pamunuan ng PAL.
Kabilang sa mga cancelled flight ay ang Manila-Butuan-Manila PR 2938/2939 at PR 2335/2336 Cebu-Butuan-Cebu.
Ayon sa pamunuan ng PAL napilitan ipakansela ang mga pangabing flight na ito, bunsod sa binabanggit na problema., at kasalukuyang nakikipaugnayan ang PAL sa mga tauhan ng Butuan Airport kaugnay sa reopening ng night operations ng Butuan runaway.
Pinapayuhan ang apektadong mga pasahero na makipag-coordinate sa PAL, para sa kanilang rebooking sa loob ng anim na pong (60) o kaya sa ibang available flight o ibang airport na malapit sa Butuan.
O kaya i-refund ang kanilang mga tickets ng walang ipapataw na penalty, maliban sa ticketing service charge.
Samantala, ipinakansela din ng Manila International Airport Authority (MIAA) kahapon ang Manila-Masbate-Manila Cebgo flight DG 6177/6178, dahil sa masamang panahon ng naturang probensiya. (jan. 12, 2024)
froilan morallos