Apat na Paganteng Korean Timbog sa Pampanga

Inaresto ng Fugitive Search Unit (FSU) ng Bureau of Immigration (BI) sa Angeles City Pampanga ang apat na South Korean nationals na wanted sa Korea, dahil sa pagkakasangkot ng multiple online fraud schemes sa kanilang lugar.

Ayon sa report nahuli ang mga ito sa ikinasang operasyong ng FSU sa loob ng Clark Freeport Zone, katuwang ang Philippine Airforce, Korean authorities at Clark Development Corporation.

Kinilala ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang mga suspek na sina Ham Seong Hwan, 38, and Kim Jongbaek, 21, Kim Taekyeong 37 anyos, at Park Jinhyung 36 anyos.

Ang apat na suspek ay nag-established ng resident-based fraud operation sa loob ng Clark Freeport Zone sa Angeles City,gamit ang ibat-ibang flatforms, katulad ng pekeng hotel websites with low rates at bogus flight. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *