Apat na Overstaying Chinese Nationals Timbog sa NAIA

Na-intercept ng mga tuahan ng Bureau of Immigration (BI), Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES),sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang apat na Chinese national na lumabag sa immigration protocol.

Kinilala ang apat na suspek an sina Zhang Zhaoya, Wang Linmei, Qi Xiangyang, at Chen Wenda, at nasakote ang mga ito noong Lunes bago makasakay sa knilang flight papuntang China at Vietnam.

Ayon sa report si Zhang at Qi ay napatunayan na overstaying, at dumating ang mga ito sa bansa noong July at September taong 2024.

Si Chen ay mayroon working visa, ngunit wala itong Immigration Clearance certificate, ang isang mandatory requirements para sa mga dayuhan na matagal nanirahan sa Pilipinas.

Ayon kay Commissioner Joel Anthony Viado ang pagkakadakip ng mga ito,ay isang pagpsapatunay na hindi makakalusot sa kanilang opisina ang mga dayuhan na umiiwas sa kanilang responsibilidad sa bansa.

Samantalang sumasailalim sa masusing imbestigasyon ang tatlong Immigration Officers na nakipagsabwatan sa apat na pasahero upang makalusot ng hindi dumaan sa tamang proeseso ng kanilang opisina.

Ito aniya bilang pagtupad sa kautusan sa zero tolerance policy sa Corruption, ng sa gayon magsilbing aral sa iba pang IO na nagnanais gumawa ng labag sa immigration policy. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *