Apat Na Opisyal Ng DPWH Ipatatawag Ng Senado

Apat na opisyales ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ang nakatakdang ipatawag ng Chairman ng Blue Ribbon Committee, hinggil sa pagkakadawit ng mga ito sa ma-anomalyang konstraksiyon ng isang tulay at flood control project.

Ang apat na sinasabing opisyal ay kinabibilangan ng isang Assistant Secretary, na siyang nag manipula sa pagpondo ng bumagsak na Isabel bridge, tatlong Undersecretary na pinaghihinalaan nagkamal ng bilyon-bilyon pera ng taong bayan.

Ang tatlong USEC na ito ay ang mga idinadawit kasabwat diumano ang ilang mga mambabatas sa mabababang kapulungan, sa mga manomalayang flood control project partikular sa Metro Manila.

Lumalabas sa inisyal imbestigasyon ng Senado na ang mga sangkot na opisyal ay ang mga nagmanipula sa pag-destribute ng flood control project sa mga Distric Engineer sa National Capital Region (NCR), at karatig na lugar sa Kamaynilahan.

Batay sa impormasyon nakalap ang isa sa mga idinadawit na opisyal ay ipinalagay sa floating status, matapos ibulgar ni pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa anyang State of the Nation of the Address (SONA) niitong nakaraang buwan. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *