Apat Na National Road Sa Northern Luzon Sarado Sa Lahat Ng Uri Ng Sasakyan

Apat na national roads ang nananatiling sarado sa lahat ng uri ng mga sasakyan sa patuloy na pananalasa ng Southwest Monson at Tropical cyclone Crising sa Northern Luzon, ayon sa report ng Bureau of Maintenance ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ayon sa naturang report ang apat na daan ay kinabibilangan ng Apayao (Calanasan)-Ilocos Norte Road, Tanglagan, Calanasan, Apayao, Claveria-Calanasan-Flora-Lasam Road, Barangay Ninoy, Calanasan, Apayao, Kennon Road, Camp 6, Tuba, Benguet, Liloy-Siocon Road, at ubongon, Baliguian, Zamboanga del Norte.

Bunsod sa mataas ng level ng tubig, sa daan, landslides, pagkabiyak ng kalsada at mga bato at nakaharang na mga kahoy sa daan particular na sa Kennon Road, kung kayat hindi makadaan ang lahat ng uri ng sasakyan.

Samantalang limitado naman ang mga sasakyan na makakadaan sa mga lugar ng Bigaa-Plaridel via Bulacan & Malolos Road, Barangay Panginay, Balagtas (Bigaa), Bulacan, Bato Bridge sa kahabaan ng Amungan – Palauig-Banlog Road, Barangay Bato, at Palauig, Zambales, bunsod sa mataas na tubig baha sa mga daan.

Resulta sa matinding hagupit ng Bagyong Crising at walang humpay na pagbuhos ng malakas na ulan, umabot na sa 526.81 milyon pesos ang pinsala sa imprastraktura, 195.52 milyon pesos sa mga national road, 9.04 milyon sa mga tulay, at ang pinaka-controvercial project ng pamahalaan na flood control na tinatayang aabot sa 322.25 milyon pesos ang pinsala. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *