Apat Na Chinese Nationals Inaresto Ng BI Sa Pampang
Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) operatives sa Minalin Pampanga ang apat na Chinese national hinggil sa paglabag ng Immigration Laws.
Ayon kay Commissioner Joel Anthony Viado, kinilala ang mga suspek na sina Ke Jianye, 39, Guo Yilan 35 anyos, Chen Ligan 47 anyos at Huang shuirong 38 anyos.
Ang apat na dayuhan ay nagtratrabaho sa isang construction firm sa Brgy. Sto. Domingo, Minalin, Pampanga, taliwas sa working visas na inisyu ng pamahalaan.
Ayon pa kay Viado, ito ay isang serious violation of the Philippine Immigration Laws, kung saan may kaparusahan na itinakda ng saligang batas sa mga lumalabag.
Dagdag pa nito welcome ang mga ito na magtrabaho sa bansa, bagkus sumunod sa kondisyon na nakasaad sa kanilang approved working visas.
Kasabay nito binalaan nito ang lahat ng mga dayuhan na sundin ang ipinagkaloob na kondisyunis ng pamahalaan sa kanilang pansamantalang paninirahan sa bansa.
Ang apat na ito ay naga-undergo ng deportation proceedings, dahil sa paglabag ng Philippine Immigration Law, at kasabay nito ang pagpapa-blacklistupang hindi na muli makabalik sa Pilipinas. (froilan morallos)