Apat Na Blacklisted Indian National Naaresto sa Tawi-Tawi

Nasabat ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang limang illegal alien pagkababa sa kanilang sinasakyan bangka sa Bongao, Tawi-Tawi, ayon sa report na nakarating sa Bureau of Immigration (BI).

 

Ang limang dayuhan ay nakilala na sina Lakhwinder Singh Brar 30, Parwinder Singh 21, Sukhraj Singh Dubb 32, Jagjit Chohan 36 pawang Indian national at Malaysian national na si Bryan Joel Ng.

 

Ayon kay BI Intelligence Chief Fortunato Manahan jr. nahuli ang mga ito noong June 28 ng mga tauhan ng PCG na naka-asayn sa Tawi-Tawi, habang nagpapatrolya sa karagatan ng sa binabanggit na lugar.

 

Matapos ang isinagawang inisyal interview ng PCG nadiskobre ang apat na Indian national ay walang maipakitang immigration stamps, habang si NG ay hindi nakapag-presenta ng kanyang pasaporte.

 

Kung kayat agad ipinagbigay sa kaalaman ng BI Regional Operating Unit ng immigration na siyang nag-isyu ng Warrant of Arrest, at naaresto ang mga ito sa tulong ng Philippine National Police (PNP) Regional Intelligence Unit 9, PNP Zamboanga City Police Office, at ng PNP Intelligence Group.

 

At nakita din sa data base ng immigration na ang apat na Bombay ay lahat na listahan ng mga blacklisted na dayuhan, habang si Ng ay pinaghihinalan na miyembro ng human trafficking na  nago-operate sa bansa.

 

Kakaharapin ng limang foreigner ang kasong criminal o tinatawag na illegal entry, dahil sa paglabag ng section 37 (a) (1) ng Philippine Immigration Act of 1940.(froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *