Apat na Biktima ng Human Trafficking Dumating sa NAIA
Dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong June 26, ang apat na Filipino na pinaniniwalaan biktima ng human trafficking sakay ng Thai Airways flight galing sa bansang Myanmar.
Ayon sa report ng Immigration Protection and Border enforcement Section (I-PROBES) nagkunyari ang mga ito bilang mga turista, at magbabakasyon sa mga bansa ng Hongkong, Thailand at Taiwan.
Ngunit ang tunay na layunin ng apat ay magtrabaho sa Myanmar bilang mga call center agent, bagkus taliwas ang kinahinatnan ng mga ito, dahil sapilitan na pinagtrabaho bilang costumers service repersentatives sa online Scams sa remote area ng bansang ito.
At batay sa impormasyon na nakalap ng pahayagang ito, hindi sila pinapasuweldo, at hindi rin makaalis Kung hindi magbabayad kapalit ng malaking halaga.
Anila papayagang sila maka-alis kapag nagbayad ang bawat isa sa kanila ng 5,000 RMB katumabas ng 127,000 pesos Philippine currency.
Nakauwi ang mga ito sa tulong ng Philippine Consulate sa Thailand at ng iba pang sangay ng pamahalaan.(froilan morallos)