Anim Na Empleyado ng CAAP Sinibak Sa Puwesto

Sibak sa puwesto ang anim (6) na kawani ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) matapos bumagsak sa drug testing na isinagawa sa lahat ng airport sa buong bansa nitong nakaraang buwan ng pebrero at Augusto.

Ayon sa pamunuan ng CAAP positibo na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang nasabing empleyado, kabilang ang isa General Santos International Airport, tatlo sa Butuan, isa sa Ozamis, at isa sa Bacolod Silay Airport, sa Bacolod City.

Ang drug testing ay isinagawa bilang pagsunod sa kautusan ng Philippine Civil Aviation Regulation on Psychoactive Testing and Reporting at ng Civil Service Commission (CSC).

Ng sa gayon maprotektahan ang kapakanan o safety ng flying public, at ma-maintain ang drug free environment ang mga Paliparan sa buong bansa, (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *