American National Inaresto sa CIA
Inaresto ng Aviation Security Unit ng Philippine National Police (PNP-AVSEGRP) sa Clark International Airport (CIA) ang isang departing American national, dahil sa unlicensed firearm na nakuha sa kanyang bagahe.
Ayon sa report pasakay ito noong April 25 sa kanyang Cebu Pacific flight 5J943, papuntang Bangkok, at pagdating sa final security check point nakita sa x-ray machine nasilayan ang imahe ng baril.
Nang haloghugin ng mga tauhan ng PNP Aviation Security Unit ang nasabing hand carry bag nakita sa loob ang isang baril kasama ang walong bala.
Sa isinagawang imbestigaasyon inamin ng pasahero na kanyang ang naturang hand carry bag, ngunit walang maipakitang pagpapatunay na mayroon siyang karapatan na magdala ng baril sa labas ng kanyang pamamahay.
Agad na kinumpiska ang baril at mga bala, dahil walang maipakitang permit to own firearm, at permit to carry out side residence.
Itong suspek ay sumasailalim ng masusing imbestigasyon, bago isampa ang kasong illegal possession of firearm sa Pasay Prosecutors Office. (froilan morallos)