Akusado Sa Human Trafficking Timbog Sa NAIA

Inaresto ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group kahapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA),  ang isang 42 anyos na pasahero dahil sa pagkakadawit sa kasong human trafficking na isinampa sa korte ng kanyang naging biktima.
Nahuli ito sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng korte noong  July 1, 2025, bunsod sa paglabag ng Anti-Trafficking in persons Act of 2003 as amended by RA 10364 o kilala sa tawag na Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012 , Qualified Trafficking under Section 4 (a) and Section 6 (c).
At pamamagitan o koordinasyon ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Intelligence Group, Regional Intelligence Division ng Police Regional Office 4A, at ng mga tauhan ng PNP Aviation Security Group ng Ninoy Aquino International Airport.
Ang akusado ay nasa kustudiya ng Regional Intelligence Division -Police Regional Office ng region 4A, at kasalukuyang sumasailalim ng legal proceedings at proper documentation. (Froilan Morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *