Air Soft pistol, Na-intercept Sa Loob Ng Isang Warehouse Sa NAIA

Na-intercept ng mga tauhan ng Burea of Customs (BOC) at security screening officer ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang parcel na naglalaman ng air soft pistol.
Ayon sa report nadiskobre ito pagdaan sa X-ray screening procedure na isinagawa ng mga tauhan ng BOC sa loob ng nasa bing warehouse at sa harap ng mga security guard ng Quick Star Security Agency.
Napagalaman na ang nasabing parcel ay papuntang Misamis Oriental at ideneklara ito bilang goods accessories,ngunit ng ipadaan sa manual inspection bumulaga ang airsoft pistol, kung kayat agad nakipag-coordinate ang mga ito sa Philippine National Police (PNP).
Batay sa isinagawang initial investigation natuklasan ng mga awtoridad na walang maipakitang permit to import/export  mula sa PNP Firearms and Explosive Office (FEO).
Ang naturang baril ay nasa kustudiya ng mga tauhan ng PNP AVESEGROUP National Capital Region (NCR), at kasabay nito ang pagsasaprebado ng kaso bunsod sa paglabag ngumiiral na batas sa bansa. (Froilan Morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *