Agri-Products Na-intercept ng BOC sa NAIA

Kinumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang 1,208.5 kilos ng agricultural products, dala ng dalawang Japanese national, dahil walang maipakitang import and health permit mula sa pamahalaan.

Na-intercept ang mga produkto ito sa pakikipagtulungan ng Intelligence and Enforcement Service (IES) Customs X-ray Inspection Project (XIP) at nang mga tauhan ng Department of Agriculture na naka talaga sa naia terminal 1.

Ayon sa report ng BOC ang mga agri-products ay kinabibilangan ng 527.10 kilograms fresh beef, 26.5 kilograms fresh chicken, 60 pirasong itlog, 57.1 ibat-ibang prutas at gulay, 57.10 kilograms fishery products, 140.2 kilograms ng meat products, 10 pirasong itlog, 65 kilograms ng mga prutas, gulay, at 235.5 kilograms ng assorted fishery products.

At dumating ang dalawang pasahero ng magkakasunod na petsa August 8 at 9 dala ng dalawang Japanese national sakay ng Japan Airlines galing sa hindi binabangit na mga lugar sa Japan.

Ayon sa impormasyon kinumpiska ang mga ito bunsod sa walang mai-presentang sanitary and Phytosanitary Import Clearance (SPSIC) galing sa Bureau of animal Industry (BAI), Bureau of Plant Industry (BPI), at sa Bureau of fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Ang mga naturang agri-products na ito, ay nasa pangangalaga ng mga tauhan ng Department of Agriculture para sa gagawin tamang disposal bilang pagsunod sa health protocol sa ipinapatupad ng Department of Agriculture. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *