African woman Tiklo sa NAIA

Inaressto ng Bureau of Immigration (BI) agent sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Senegales woman bago makasakay sa kanyang flight patungong Europe, dahil sa  pekeng Schengen visa.

 

Kinilala ang suspek na si Binetou Dieng 23 anyos, at na-intercept ito noong Lunes sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 bago makapag-on board sa kanyang Eva Air flight papuntang Taipei.

 

At sa tulong ng airline employee, na siyang naging sanhi upang mag- undergo ito ng secondary inspection dahil sa kaduda-dudang kinikilos nito.

 

Pinaniniwalaan na ang beyahi nito ay facilitated ng isang sindikato na may kaugnayan sa human trafficking papuntang Europe.

 

Si Dieng ay pansamantalang mananatili sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, sa Taguig City habang naka-pending ang kanyang deportation proceedings ng BI Board of Commissioners.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *