Aabot sa 39.56 Milyon Pesos Ng Estraktura ang Sinira ni Enteng
Tinaatayang aabot sa 139.56 milyon pesos ang halaga sa mga nasira ng bagyong si Eneng at hagupit ng habagat sa ibat-ibang lugar sa bansa ayon sa report ng Department of Public Works and Highways.
Kabilang sa mga nasira ay ang ilan sa mga nationa road, bridges at flood control structure sa limang rehiyon kasama na dito ang sa Luzon at Visayas Region.
Ayon kay DPWH Secrertary Manuel Bonoan nasa 84.39 milyon pesos ang damage sa mga tulay, 2.420 milyon sa mga daan at 42.75 milyon pesos sa flood control structure.
Batay sa report ng DPWH Disaster and Incident Management Teams 1I major roads ang naapektuhan sa CAR at Region 3, at hindi pa maaring madaanan.
Kabilang ang Itogon-Dalupirip Road, Barangay Tinongdan, Itogon, Benguet, one-lane passable to light vehicles only due to soil collapse,Benguet-Nueva Vizcaya Road, Barangay Tinongdan, Itogon, Benguet, one lane passable to heavy vehicles only due to rock/slope collapse.
Dantay-Sagada Road,Barangay Antadao, Sagada, Mt. Province, kung saan passable ito sa light vehicles dahil sa road slip; at ang Manila North Road, Calvario, Marilao, Bulacan, passable to heavy vehicles only due to flooding.(froilan morallos)