Hostage Victim Sa Israel Dumating Kahapon sa NAIA

Hostage victim sa Gaza na si Jimmy Pacheco dumating kahapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal1 sakay ng Philippine Airlines (PAL) flight PR 659 galing Dubai.

Si Jimmy ay isang caregiver sa Israel at ang napabalitang dinukot ng mga rebelding Hamas sa bahay ng kanyang amo sa may boundary ng Gaza at Israel.

Pinakawalan si Jimmy noong November 24, kasama ang ibang mga dayuhan matapos ang ilang araw na cease fire sa pagitan ng terroristang Hamas at Israel Defense Force (IDF).

Sinalubong naman ito ng kanyang asawa na si Clarice, kasama ang ilang empleyado ng Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Migrant Worker (DMW) Officer-in Charge Hans Cacdac at Overseas Welfare Administration Arnel Ignacio at Israel Ambassador to the Philippines na si Ilan  Flus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *