Mga Labi ng Dalawang Seafarers Dumating sa NAIA

Dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga labi ng mga Filipino seafarers na napatay sa pag-atake ng Houthi rebels sa MV Minervagracht sa may Gulf Aden noong September 29.
Sinalubong ang mga ito ng mga tauhan ng Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), mga pamilya ng mga biktima at manning Agency.
Ang mga labi ng dalawa ay nakatakdang dalhin sa Iligan at sa Zamboanga del Sur kung saan nagaantay ang kanilang mga kaanak, habang ang mga sugatan ay patuloy na nagpapagaling sa mga Pagaduan.
Nagpaunlak naman ng tulong ang ilang ahensiya ng pamahalaan sa kanilang mga naulila, at nakahanda ang mga Ito na tumulong sa mga kakailanganin upang makakuha ng kompensasyon ang mga kaanak. (Froilan Morallos(

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *