500 Grams Ng shabu Na-intercept sa Isang Warehouse sa NAIA
Na-intercept ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Inter-Agency Drug Interdiction Task Group ang 500 grams ng hinihinalang Shabu sa loob ng isang warehouse sa Ninyo Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa report ng grupo ang drogang ito ay tinatayang aabot sa 3.4 milyon pesos ang halaga at dadalhin sa New Zealand.
Napagalamaan na ang drugs na ito ay galing sa isang lugar sa Cavite at nakuha ito sa isang out bound parcel, kung saan idineklara bilang libro at picture frame.
Ibinalot ito ng duct tape at ilinagay sa loob ng plastic bag kasama ang tatlong libro, picture frames, bouquet ng mga bulaklak at isang board game.
Agad naman ito ilinipat sa mga tauhan ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA), upang magsagawa ng imbestigasyon. (froilan morallos)