Congressman Na Idinadawit Sa Flood Control Project Lumabas ng Bansa
Umalis sa bansa kahapon si Congressman Aurelio “Dong” Gonzales ng ikatlong Distrito ng Pampanga, upang magliwaliw o magbaksayon sa ibat -ibang lugar sa labas ng Pilipinas.
Napagalaman na si Congressman Gonsalez ay diumanong idinadawit sa mga ma-anomalyang flood control project sa kanyang Distrito.
Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval hindi nila ito maaring pigilan ang mambabatas (Congressman Gonsalez) na lumabas ng bansa, sapagkat wala itong Hold Departure Order (HDO) at derogatory record sa kanilang opisina.
Si Gonsalez ay inaakusahan sa illegal na paggamit ng Priority Development Assistance Fund, at isa itong respondent sa Graft Complaint na isinampa laban sa kanya sa office of the Ombudsman, tungkol sa irregularities ng 612 milyon pesos flood control project.
Batay sa impormasyon nakalap si Gonsalez ay nagtapos ng Civil Engineering Degree at Environmental and Sanitary Engineer sa Mapua Institute of Techonology at pumasa sa engineering board exam noong 1987. (froilan morallos)