Negosyanteng Babae Inaresto sa Clark International Airport

Inaresto ng mga awtoridad sa Clark International Airport (CIA) sa Mabalacat City Pampanga ang isang negosyanteng babae, dahil sa kasong carjacking na nakabinbin sa Quezon City Regional Trial Court Branch 215.

Ang nasabing pasahero ay dumating sa CIA noong August 22 galing Hongkong, at pagkababa nito sa kanyang flight agad na dinampot ng pinagsanib na mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Avesegroup at Quezon City Police District.

Inaresto ito sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng RTC Barnch 215 ng Quezon City noong pang nakaraang taon.

Napagalaman na itong akusado mayroon din panibagong Warrant of Arrest na inisyu ng Regional Trial Court Branch 92 sa Balanga City lalawigan ng Bataan, hinggil sa kasong carjacking na ihinain ng complainant noong February 19, 2024.

At batay sa impormasyon nakalap mayroon itong recommended bail na aabot sa 300,000.00 tawsan pesos ang halaga. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *