Mahigit Sa 47 Milyong Shabu Na-Intercept Sa NAIA

Inaresto ng mga awtoridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3, ang isang South African, dahil sa paglabag ng RA 9165 o kilala sa tawag na Dangerous Drug Act of 2000.

Kinilala ang suspek na si Antonie Engelbrecht, lulan ito ng Cathay Pacific flight CX 919 mula sa Johannesburg, South Africa via Hongkong.

Ayon sa report hinuli ito noong nakaraang araw ng Sabado (Aug.16, 2025), sa may arrival area ng naia 3, makaraang makita sa check-in luggage niitong suspek ang 7,005 gramo ng Shabu.

At batay sa impormasyon nakalap mula sa mga tauhan ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group, tinatayang aabot sa 47,644,000.00 milyon pesos ang halaga.

Ayon sa mga kawani ng NAIA-IADITG malaki ang nagging ambag o partisipasyon ng mga tauhan X-ray scanning, at sa tulong ng K9, sa pagkakadiskobre ng mga drogang ito. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *