Pasahero Ng Singapore Singapore Airlines Inaresto Sa NAIA

Inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group ang isang pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa paglabag ng RA 9262.

Ayon sa report ang nasabing pasahero ay galing sa Singapore, at pagkababa sa kanyang sinakyan eroplano agad ito inaresto, dahil sa nakabinbin na Warrant of Arrest.

Na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) ng Bago City hinggil sa paglabag ng Anti-Violence Against Women and Children Act of 2004.

Nahuli ito sa pakikipagtulungan ng Avsegroup,Police Station 3 at Manila Police District (MPD) Barbosa Police Station 14.

Ang nasabing pasahero (akusado) ay kasalukuyang nasa kustodiya ng MPD Barbosa Police Station 14 Warrant Section para sa dokumentasyon bago dalhin sa korte. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *