Paninigarelyo Sa Loob Ng Eroplano May Kaparusahan

Binigyan ng babala ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na hindi na maaring makasakay sa Domestic at International flights ang pasaherong mahuhuli na nagyuyusi sa loob ng eropalno habang nasa himpapawid.

Matapos ang nangyaring insedenti kung saan ang isang pasahero ay nahuli habang naninigarelyo sa himpapawid sa kanilang Air Asia flight sa hindi sinabing destinasyon.

Ayon kay CAAP spokesperson Eric Apolonio ang paninigarelyo sa loob ng eroplano ay hindi lamang nakaka-disrupts sa operasyon bagkus isang banta ito sa seguridad sa mga pasahero at maari pa ito pagmulan ng sunog.

Aniya sa ilalim ng Philippine Civil Aviation Regulations (PCAR) ang paninigarelyo sa loob ng eroplano ay mariin na ipinagbabawal at ang mahuhili o lalabag maaring makulong at karampatan multa na hindi bababa sa limang libong pesos. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *