Secretary Bonoan Pinagle-Leave Of Absence Ng Isang Congressman
Pinagle-leave of absence ng isang Kongresista si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan, for delecadiza, upang malayang makapag-imbestiga ang mga kinauukulang tungkol sa bilyon-bilyong proyekto ng flood control sa buong bansa.
Inaakusahan ang kalihim ng nasabing kongresista na nagpabaya ito sa kanyang tungkulin, kung kayat aniya dapat lumiban o bumababa siya sa kanyang puwesto, sa lalong madalin panahon ng sa ganon magkaroon ang pamahalaan ng pagkakataon na makapili ng taong tapat sa tungkulin.
Ayon pa sa nasabing mambabatas sa kabila ng maliwanag na kapalpakaan na mga ginawa ng kanyang mga tauhan, ni isa wala itong pinarusahan o ipinasuspendi sa hindi malaman na kadahilanan.
Matatandaan, na bago nabulgar ang ma-anomalayang proyekto sa flood control, nauna rito ang bumagsak na tulay sa Isabel Cagayan, at wala itong ginawa sa kanyang mga tauhan na sangkot sa anomalyang proyektong ito, bagkus ang isa na -promote pa.
Na kasalukuyang pinai-imbestigahan ng Senado, ng sa gayon mapanagot ang opisyal ng dpwh na nagpabaya sa tungkulin o nakipagsabwatan sa mga corrupt ng politiko sa hilagang Luzon.
Maging ang mga Undersecretary na nagkamal ng bilyon-bilyon salapi sa kaban ng bayan, ay nanatili nakakapit sa kanilang mga puwesto, at taas nuo pa sa kabila ng kinakaharap na problema ng ahensiyang ito. (froilan morallos)