Tatlong Biktima Ng Human Trafficking Nasagip ng BI sa DIA

Nasagip ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Davao Interanational Airport (DIA) ang tatlong biktima ng human trafficking bago makasakay sa kanilang Scoot Airlines flight palabas ng bansa.

Ayon sa report ng Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES) ang mga biktima ay naharang sa may departure area ng DIA, at nagkunyari magbabakasyon ng limang araw sa Singapore.

Ngunit kalaunan inamin na na-recriute sila sa tulong ng kanyang kapit bahay sa pamamagitan ng isang Manila-based contact na siyang nag-falitate ng kanilang travel.

Ang mga biktima ay agad nai-turn over sa opsina ng Inter-Agency council Against Trafficking, upang sumailalim ng imbestigasyon, (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *