Overstaying Chinese Nationals Tiklo sa Zambales

Dinampot ng Bureau of Immigration (BI) operatives sa lalawigan ng Zambales ang dalawang Chinese national na nagtatago sa Botolan Zambales bunsod sa paglabag ng immigration Law.

Ayon sa report kinilala ang isa suspek na si Shuilin Li, 70 anyos, at isang hindi pa kilala ang pangalan, kung saan nahuli ang mga ito noong August 5 sa Barangay Parel sa bisa ng mission order na inisyu ni BI Commissioner Joel Anthony Viado.

Naaresto ito sa pamamagitan ng ikinasang operation ng mga kawani ng BI’s Regional Intelligence Operations Unit III (RIOU III), sa tulong ng Philippine army at ng government intelligence forces.

Napatunayan na ang dalawang dayuhan ay lumabag sa kanilang pansamantalang paninirahan sa bansa na ipinagkaloob ng pamahalaan sa dalawang dayuhan.

Ang dalawa ay agad na dinala sa Immigration detention center sa Camp Bagong Diwa sa Taguig, City at mananatili ang mga ito sa kulungan habang naka-pending ang kanilang deportation order sa opisina ng Immigration Board of Commissioner, (froilan morallos).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *