Illegal drugs Na-intercept Ng BOC Sa NAIA
Na-intercept ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC), sa Central Mail Exchange Center (CMEC), ang 1,502 gramo ng high grade marijuana na tinatayang aabot sa P2,253,800.00 milyong pesos ang halaga.
Ayon sa report ang nasabing mga illegal drugs (marijuana) ay nakalagay sa loob ng anim inbound parcels, at naka-consigned sa magkakaaibang tao.
Ayon sa pahayag ni Customs NAIA District Collector Alexandra Y. Lumontad, ang mga nakumpiskang drugs ay agad nai-turnover sa mga kawani ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA), upang sumailalim ng masusing pagsusuri.
Nakatakdan naman kasuhan ang mga consignee ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9165, o kilala sa tawag na Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, and Republic Act No. 10863, or the Customs Modernization and Tariff Act (CMTA). (froilan morallos)